Pio Isidro y Castañeda (1865-1931) Marker is a Marked Structure, NHCP located at Manila, Metro Manila, National Capital Region.
Marker Text:
Pio Isidro y Castañeda
(1865–1931)
Magsasaka, makabayan at kilala sa pangalang Hen. Pio del Pilar. Ipinanganak noong Hulyo 11, 1865 sa Kuli-Kuli, San Pedro Makati (ngayo’y Pio del Pilar, Makati, Metro Manila). Cabeza de barangay ng Kuli-Kuli, 1890. Isa sa tagapagtatag at kalihim ng “Magtagumpay”[,] sangay ng Katipunan sa Kuli-Kuli at nakipaglaban sa Tulay ng Zapote[,] Pebrero 17, 1897. Sumakop sa Sta. Ana noong Labanang Pilipino-Amerikano at nakipaglaban bilang gerilya sa Bulacan at Nueva Ecija. Nadakip sa Labanan sa Morong, Rizal. Ipinatapon sa Guam, Hulyo 16, 1901, at pinatawag, Hulyo 4, 1902. Namatay noong Hunyo 21, 1931.
Year Unveiled: 1983