← Back to List

Jose F. Fabella 1888-1945 Marker

Jose F. Fabella 1888-1945 Marker is a Marked Structure, NHCP located at Manila, Metro Manila, National Capital Region.

Marker Text:

Jose F. Fabella
1888–1945

Ama ng kalusugang pambayan. Ipinanganak kina Juan Fabella at Damiana Fernandez, Pagsanjan, Laguna, 16 Oktubre 1888. Nagtapos ng medisina, Rush Medical College, 1912. Kalihim, Anti-Tuberculosis Society, 1914–1916, at Public Welfare Board, 1916–1921. Nanungkulan sa pamahalaan at mga pribadong samahan na kaugnay ng kalusugan at kagalingang bayan. Nanguna sa pagtatatag ng Santol Tuberculosis Society (ngayo’y Quezon Institute), Welfareville, Maternity and Children’s Hospital, Paco Settlement House at mga klinika sa panganganak, mga sanggunian sa wastong pag-aalaga ng mga bata at mga hukumang pangkabataan sa bansa. Yumao, 16 Enero 1945.

Date Unveiled: December 1, 2002

Open in Google Maps