← Back to List

Jose Corazon De Jesus Marker

Jose Corazon De Jesus Marker is a Marked Structure, NHCP located at Manila, Metro Manila, National Capital Region.

Marker Text:

Jose Corazon de Jesus
(1894–1932)
Hari ng Balagtasan

Isinilang sa Daang Trinidad, Sta. Cruz, Maynila, noong ika-22 ng Nobyembre, 1894. Nagtapos ng mga unang baitang sa Sta. Maria, Bulakan. Nagpatuloy ng pag-aaral sa Maynila, at nagtapos sa pagka-manananggol sa Escuela de Derecho noong 1919. Nagsimulang tumula noong 1914 at naging bantog sa pagiging makatang liriko at mambibigkas. Naging "Hari ng Balagtasan" noong 1924 nang talunin niya si Florentino T. Collantes sa Olympic Stadium. Kabilang sa kanyang bantog at mahahabang tula ang "Sa Dakong Silangan", "Mga Itinapon ng Kapalaran", "Ang Ilaw sa Kapitbahay", at ang katipunan ng mga tulang "Mga Dahong Ginto."
Namatay sa Maynila noong ika-26 ng Mayo, 1932.

Alay ng Lalawigang Bulacan at ng mga taga-Sta. Maria sa pangangasiwa ng Bulacan Tourist Center–1964.

Year Unveiled: 1964

Open in Google Maps