Concepción Felix Rodriguez (1884–1967) Marker is a Marked Structure, NHCP located at Manila, Metro Manila, National Capital Region.
Marker Text:
Concepcion Felix Rodriguez
(1884-1967)
Isinilang sa Tundo, Maynila, noong ika-9 ng Pebrero 1884.
Naging pinuno ng Asociacion Feminista. Nakpaglaban para sa karapatan ng mga kababaihan, naging tagapamahala sa piitan ng mga babae ng Hospicio de San Jose. Tumulong sa pagtatatag ng La Gota de Leche, nagtatag ng Pambansang Kalipunan ng mga Kapisanang Pangkababaihan ng Pilipinas at ng Correctional Institute for Women. Dahil dito ay pinagkalooban siya ng Presidential Medal Award ng Pangulong Ferdinand E. Marcos noong 1966.
Namatay noong ika-27 ng Enero 1967 sa gulang na 83.