← Back to List

Simbahan at Kumbento ng San Juan Bautista de Bagumbayan Marker

Simbahan at Kumbento ng San Juan Bautista de Bagumbayan Marker is a Marked Structure, NHCP located at Manila, Metro Manila, National Capital Region.

Marker Text:

Simbahan at Kumbento ng San Juan Bautista de Bagumbayan

Sa pook na ito ipinatayo ang unang simbahan at kumbento ng Order of Augustinian Recollects (OAR) sa Patronato ni San Juan Bautista. Dating tahanan ni Gobernador Heneral Pedro de Acuña, ito ay nabili at pinasinayaan ng mga Recoletos sa pangunguna ni Fr. Juan de San Jeronimo, 10 Setyembre 1606. Giniba sa atas ni Gobernador Heneral Sebastian Hurtado de Corcuera, 1644; muling ipinatayo subalit tuluyang nawasak noong panahon ng pananakop ng mga Ingles sa Maynila, 1764. Ang simbahan ay nagsilbing provincial curia at bahay-sanayan ng mga Recoletos para sa kanilang unang misyon sa Zambales, Mindanao, Calamianes Islands at Mindoro.

Year Unveiled: 2006

Open in Google Maps