← Back to List

Santiago A. Fonacier y Suguitan Marker

Santiago A. Fonacier y Suguitan Marker is a Marked Structure, NHCP located at Laoag City, Ilocos Norte, Region I.

Marker Text:

Santiago A. Fonacier y Suguitan

Manunulat, mamamahayag, mambabatas, makabayan at isa sa haligi ng Iglesia Filipina Independlente. Ipinanganak sa Laoag, Ilocos Norte, Mayo 21, 1885. Kinatawan, Unang Distrito ng Ilokos Norte, 1912-1916 at Senador, 1919-1925; Kagawad, Lupon ng mga Rehente, Pamantasan ng Pilipinas at Tagapangulo, Lupon ng Aklat Pampamahalaan, 1923-1925; Kagawad, Ikalawang Misyon para sa Kalayaan ng Pilipinas sa Estados Unidos, 1922; Kapilyan, Hukbong Katihan ng Pilipinas, 1937-1942; Kagawad Surian ng Wikang Pambansa, 1938-1942; Pangalawang Obispo Maximo, I.F.L., 1940-1946; at Kagawad, Lupon ng Patawad at Parol, 1960-1961. Ginawaran ng Doctor of Divinity, honoris causa, University of Chicago, 1940. Tagapaglathala at Patnugot ng Dangadang (La Lucha). Tagapag-ulat, La Asamblea Filipina, La Democracia at El Grito del Pueblo. Nagsalin sa wikang Iloko ng Noli at Fili ni Rizal. At lba't-ibang lathalaing bukod sa kanyang mga sariling kinatha. Namatay, Disyembre 8, 1977.

Open in Google Maps