Legarda Elementary School | Paaralang Legarda Marker is a Marked Structure, NHCP; Registered Property, City of Manila located at Manila, Metro Manila, National Capital Region.
Marker Text:
Paaralang Legarda
Ipinatayong yari sa kahoy sa istilong Victorian noong 1922 at pinanganlan kay Don Benito T. Legarda, Kalihim ng Pananalapi ng Unang Republika ng Pilipinas at unang Resident Komisyoner ng Pilipinas sa Washington D.C., na siya ring naghandog nito sa pamahalaan ng Maynila para sa kabataan ng Sampaloc. Nang sumiklab ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig ito ay nagsilbing himpilan ng mga sundalong Hapon. Ang dating istilong arkitektural at ang tradisyon sa mataas na uri ng pagtuturo rito ay nanatili sa paglipas ng panahon.
_____
It was built in 1922 and was named after Benito Legarda who was a prominent legislator and cabinet member during the first republic of the Philippines.