Plaza Vicente del Fierro | Vicente L. del Fierro (1903–1960) Marker is a Marked Structure, NHCP located at Manila, Metro Manila, National Capital Region.
Marker Text:
Vicente L. del Fierro
(1903–1960)
Tinaguriang “Del Fire”—isang haligi at tagapagtanggol ng kalayaan ng pamamahayag sa Pilipinas. Ipinanganak noong Disyembre 15, 1903 sa Castillejos, Zambales, at nanirahan ng 30 taon sa Gagalangin, Tondo, Maynila. Nagtapos ng A.B. Journalism sa Pamantasan ng Pilipinas, 1924. Patnugot, Philippine Collegian; mamahayag, Tribune at Philippines Herald; unang patnugot, Herald Mid-Week Magazine at Monday Mail; at tagalathala at patnugot, Zambales Reporter at Star Reporter. Pinagkalooban ng National Press Club ng Gawad ng Katangitanging Paglilingkod sa Pamamahayag, 1958. Namatay noong 28 Agosto 1960.
Date Unveiled: September 6, 1984