Komisyon sa Wikang Filipino is a Marked Structure, NHCP located at Manila, Metro Manila, National Capital Region.
Marker Text:
Komisyon sa Wikang Filipino
Itinatag alinsunod sa Batas Commonwealth Blg. 184 na nilagdaan ni Pangulong Manuel L. Quezon bilang Surian ng Wikang Pambansa (SWP) na may pangunahing layunin na pumili mula sa iba't-ibang wika sa Pilipinas bilang batayan sa pagbabalangkas ng pambansang wika, 13 Nobyembre 1936. Binuo ang lupon ng mga pinuno, 13 Enero 1937. Jaime C. De Veyra, unang direktor, unang nakahimpil sa gusali ng Kongreso ng Pilipinas at nailipat sa iba't-ibang pook. Inilipat ang pangangsiwa sa Kagawaran ng Pagtuturo, 4 Oktubre 1947. Naging (LWP) sa ilalim ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 117 ni Pangulong Corazon C. Aquino, Enero 1987. Naging Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) sa Bisa ng Batas Republika Blg. 7104, 14 Agosto 1991. Inatasang magsagawa ng pananaliksik, pagpapaunlad, pagpapalaganap at preserbasyon ng Filipino at iba pang wika ng Pilipinas.
Year Unveiled: 2012