La Consolacion College is a Marked Structure, NHCP located at Manila, Metro Manila, National Capital Region.
Marker Text:
Nagsimula bilang bahay ampunan at paaralan ng mga Kastilang Madreng Agustino ng Birhen ng Consolacion sa Mandaluyong, 1883. Nagsara noong digmaang Pilipino-Amerikano, 1899. Muling nagbukas sa pamamahala ng mga Pilipinong Agustinas Tersiaras sa Sampaloc, 1899. Inilipat sa Daang San Sebastian, Quiapo, 1901. Natigil bilang bahay ampunan, naging isang kolehiyo na nakilala bilang Colegio de Nuestra SeƱora de la Consolacion, 1902. Nasunog, 1909. Iniipat sa San Miguel, 1910. Inokupahan ng hukbong Hapon, 1944. Naging pagamutan ng mga nasalanta sa digmaan, kanlungan ng mga mag-anak, at tanggapan ng Catholic Welfare Organization at Catholic Educational Association of the Philippines, 1945. Naging La Consolacion College, 1945.