Kalayaan Hall is a Marked Structure, NHCP located at Manila, Metro Manila, National Capital Region.
Marker Text:
Kalayaan Hall
Itinayo bilang Executive Building sa administrasyon ni Gobernador-Heneral Francis Burton Harrison, 1920. Idinagdag ang pangalawang palapag sa administrasyon ni Pangulong Manuel L. Quezon at ginawang opisyal na tanggapan ng Pangulo, Konseho de Estado at Gabinete, 1939. Sa gusaling ito nanumpa si Pangulong Elpidio Quirino, 17 Abril 1948; at Carlos P. Garcia, 18 Marso 1957. Pinangalanang Maharlika Hall ni Pangulong Ferdinand E. Marcos. Dito nagtapos ang mapayapang EDSA People Power Revolution, gabi ng 25 Pebrero 1986. Pinangalanang Kalayaan Hall ni Pangulong Corazon C. Aquino bilang parangal sa tagumpay ng mga FIlipinong nagkaisa upang maibalik at pairaling muli ang demokrasya sa bansa, 1986.
Inalisan ng tabing ng kagalang-galang na Pangulong Benigno S. Aquino, III, 26 Pebrero 2011 bilang paggunita sa ika-25 anibersaryo ng mapayapang People Power Revolution.
Year Unveiled: 2011