← Back to List

Knights of Rizal Building | Order of the Knights of Rizal Marker; Claudio S. Teehankee Marker

Knights of Rizal Building | Order of the Knights of Rizal Marker; Claudio S. Teehankee Marker is a Marked Structure, NHCP located at Manila, Metro Manila, National Capital Region.

Marker Texts:

Order of the Knights of Rizal
Itinatag ng grupong nasa pamumuno ni Kolonel Antonio C. Torres, 1909, para gunitain ang pagkakabaril at kabayanihan ni Dr. Jose Rizal. Binigyan ng corporate status at pinanganlang Orden de Caballeros de Rizal o Order of the Knights of Rizal, Nobyembre 16, 1916. Pinagkalooban din ng legislative charter nang pagtibayin ni Pangulong Elpidio Quirino ang Batas Republika Blg. 646, Hunyo 14, 1951. Nanguna para mapagtibay ang Proklamasyon Pampanguluhan Blg. 54, Disyembre 19, 1986, na nagtatalaga sa Disyembre 23 hanggang 30 nang bawat taon bilang Linggo ni Rizal.

Date Unveiled: June 14, 1992
_____
Claudio S. Teehankee
1918-1989

Punong-Hukom at tagapagsulong ng karapatang pantao. Isinilang sa Binondo, Maynila, 18 Abril 1918. Nagtapos sa Ateneo De Manila ng kursong Batsilyer sa Sining, 1938 at Abogasya, 1940. Itinalaga bilang Katuwang-Kalihim ng Kagawaran ng Katarungan, 1966; Kalihim ng Kagawaran ng Katarungan, 1967-1968. Kasamang Mahistrado sa Kataas-taasang Hukuman ng Pilipinas, 1968-1986. Naging Punong-Komander ng Order of the Knights of Rizal, 1971-1984. Ipinagtanggol ang karapatang pantao at sibil noong panahon ng Batas Militar. Pinangunahan niya ang panunumpa ni Corazon C. Aquino bilang ika-11 Pangulo ng Pilipinas, 25 Pebrero 1986. Hinirang na punong-hukom ng katas-taasang hukuman ng Pilipinas, 2 Abril 1986. Naging Embahador at palagiang Kinatawan ng Pilipinas sa United Nations, 1988. Yumao sa New York, Estados Unidos, 27 Nobyembre 1989.

Date Unveiled: April 22, 2019

Open in Google Maps