← Back to List

Rizal Shrine Fort Santiago | Prison Cell of Jose Rizal Marker; Pag-aaklas ng Rehimyento ng Tayabas Marker

Rizal Shrine Fort Santiago | Prison Cell of Jose Rizal Marker; Pag-aaklas ng Rehimyento ng Tayabas Marker is a National Shrine, NHCP located at Manila, Metro Manila, National Capital Region.

Marker Texts:

Dambanang Rizal sa Fort Santiago

Ang ladrilyong guho ay bahagi ng isa sa pinakamatandang gusali sa Fort Santiago. Itinayo bilang kuwartel para sa mga sundalong Espanyol, 1593. Dito ikinulong si Jose Rizal, 3 Nobyembre–29 Disyembre 1896, bago ang pagbaril sa kanya sa Bagumbayan, ngayo’y Liwasang Rizal, noong 30 Disyembre 1896.
Bahagi ng deklarasyon ng Fort Santiago bilang pambansang dambana sa bisa ng RA 597, 6 Marso 1951. Muling ipinatayo, 1953. Ipinahayag bilang sagradong pook sa bisa ng PD 105, 24 Enero 1973.
Pinangasiwaan ng Pambansang Komisyong Pangkasaysayan, 19 Hunyo 1965, hanggang sa kasalukuyan.

Year Unveiled: 2013
_____
Prison Cell of Jose Rizal

In this cell Jose Rizal was detained prisoner from 3 November to the morning of 29 December 1896 falsely charged with rebellion, sedition and formation of illegal societies.

After the reading of the court sentence at 6:00 a.m. 29 December, he was kept in an improvised chapel until his execution at 7:03 a.m. 30 December 1896 on the Luneta, Bagumbayan Field, Manila.

Year Unveiled: 1959
_____
Pag-aaklas ng Rehimyento ng Tayabas

Nag-alsa ang mga miyembro ng Rehimyento ng Tayabas sa pamumuno ni Sarhento Samaniego upang bigyang-katarungan ang pagpatay ng mga Espanyol kay Apolinario de la Cruz at sa mga kasapi ng Cofradia de San Jose noong 1–4 Nobyembre 1841. Nilusob ang Kutang Santiago sa tulong ng mga katutubong bantay sa loob niyo 20–21 Enero 1843. Nasupil ng hukbong Espanol, 21 Enero 1843. Binitay si Sarhento Samaniego at ang kanyang mga kasama sa Bagumbayan, ngayo’y Luneta, 22 Enero 1843.

Date Unveiled: January 19, 2018

Open in Google Maps