Club Filipino | Club Filipino Marker; Ang Club Filipino at ang Partido Nacionalista Marker is a Marked Structure, NHCP; Work of National Artist for Landscape Architecture Ildefonso P. Santos located at San Juan City, Metro Manila, National Capital Region.
Work of Architect I.P. Santos (1970)
_____
Marker Texts:
Club Filipino
Ang Club Filipino na itinatag upang ipakipaglaban ang kasarinlan ng bansa sa pamamagitan ng pagpapayaman ng kultura, sining, karunungan, kalusugan at pagkamakabayan ng mga mamamayan. Itinatag ng isang pangkat ng mga pilipinong makabayan at ilustrado sa pangalang " El Club Filipino Independiente” noong 1898, nang ang bandila ng tatlong bansa — Filipinas, Espanya, at Amerika — ay nakataas sa iba’t ibang panig ng kapuluan. Naging unang pangulo nito si Isidro De Santos; si Hen. Antonio Luna naman ang siyang ingat-yaman.
"Ang samahang ito ang unang nagbigay-parangal sa araw ng pagka-martir ni Rizal sa pamamagitan ng pagdaraos ng luksang alaala noong Disyembre 30, 1898 at siyang naging simula ng pagdiriwang ng "Rizal Day." Natigil ang gawain ng samahan nang umanib kay Hen. Emilio Aguinaldo marami sa mga kagawad nito nang sumiklab ang digmaan laban sa Amerika. Muling itinatag sa bagong pangalang "El Club International" nang matapos ang digmaan. Ibinalik ang pangalang "Club Filipino" pagkaraan ng ilang taon. Ang samahan ay nanguna sa pagtangkilik sa sariling kultura at sining; pinapanatili ang paggamit ng kasuotang Pilipino; at unang nagtaguyod sa mga kunsiyerto ng mga awiting Pilipino at eksibisyon ng musika at pinturang Pilipino. Nagtaguyod rin sa pagpapaunlad ng karunungan at kalusugan. Nagpadala ng mga pensyonado upang mag-aral sa Amerika; at nagpaunlad sa palakasan. Ang unang naging tahanan ng Club ay sa Daang Alix (ngayo'y Legarda); pagkaraan, sa Plaza Goiti. Noong 1909, sa 1021 Avenida Rizal. Lumipat sa Sta. Mesa kung saan tumigil si Hen. Tomoyuki Yamashita ng hukbong Hapon at pagkaraan, si Hen. Douglas MacArthur noong liberation. Buhat dito, ito ay inilipat sa kasalukuyang tanggapan nito sa Greenhills, San Juan, Metro Manila.
_____
Ang Club Filipino at ang Partido Nacionalista
Sa pook na ito noong 27 Nobyemre 1907, ginanap ang velada artisitica na itinaguyod ng Club Filipino bilang parangal sa limampu't siyam na kagawad ng unang pambansang asambleya ng Pilipinas na kasapi sa Partido Nacionalista na nangnampanya at nagwagi sa ilali ng plataporma nilang madalian lubusan at ganap na kalayaan para sa Pilipinas laban sa Partido Federalista na naglalayon naman sa pagiging isang ganap na estado ng Pilipinas ng Estados Unidos.
_____
Club Filipino
Bulwagang Kalayaan
25 Pebrero 1986
Sa bulwagang ito, ang unang babaeng naging Pangulo ng Pilipinas, Corazon C. Aquino ay nanumpa ka Supreme Court Senior Jusitce Claudio Teehankee. Nanumpa rin bilang Pangalawang Pangulo, Salvador H. Laurel kay Supreme Court Justice Vicente Abad Santos. Kasinghalaga ng araw na ito ang paglagda ng Proklamasyong Bilang 1, ang pagpapahayag ng Atas Pampanguluhan Bilang 1, at ang paghirang ng ilang mga kagawad ng gabinete at task forces para tumulong sa Pangulo sa pamamahala ng bagong pamahalaan.
Year Unveiled: 1988