← Back to List

J. Mapua Memorial Hall | Tomas Mapua (1888–1965) Marker

J. Mapua Memorial Hall | Tomas Mapua (1888–1965) Marker is a Marked Structure, NHCP located at Manila, Metro Manila, National Capital Region.

Marker Text:

Tomas Mapua

Edukador at kauna-unahang rehistradong arkitekto. Ipinanganak sa Maynila, Disyembre 21, 1888. Nag-aral sa Ateneo de Manila at Liceo de Manila. Nagtapos ng sekondaryang edukasyon sa Boones Preparatory school sa Berkley, California, 1907. Nagkamit ng titulong Batsilyer sa Arkitektura, cornell University, 1911. Nagsimula bilang Draftsman, 1912-1913 at pagkaraan naging Tagapamahalang Arkitekto, 1917-1928 sa Kawanihan ng Gawaing-Bayan. Namahala sa pagtatayo ng ilang gusaling pampamahalaan. Nagtatag ng Mapua Institute of Technology, Enero, 1925. Ka-tagapagtatag at isa sa mga naging pangulo ng Philippine Institute of Architects. Isa rin sa mga unang Konsehal ng Maynila. Tumanggap ng gintong medalya bilang papuri at katibayan ng parangal mula sa Philippine Institute of Architects at Parangal Pangkalinangan sa Arkitektura ng Lungsod ng Maynila, 1964. Namatay, Disyembre 22, 1965.

Open in Google Maps