Maria Paz Guazon Monument/ Plaza Azul | Maria Paz Mendoza-Guazon (1884–1967) Marker is a Marked Structure, NHCP located at Manila, Metro Manila, National Capital Region.
Marker text:
Maria Paz Mendoza-Guazon
Bantog na doktora, edukador, mamamahayag at pilantropo, isinilang sa Pandacan, Maynila, Mayo 10, 1884, kina Isidro Mendoza y Cruz at Macaria Eugenio. Unang babaeng nagtapos ng mataas na paaralan, Philippine Normal School, 1907; Doktor ng Medisina, University of the Philippines, 1912; at Doktor ng Medisinang Tropikal, Graduate School of Tropical Medicine and Public Health, 1916. Nag-aral at nagmasid sa Amerika at Europa. Unang babaeng dekano ng mga babae, 1916, rehente, 1924. At propesor ng pathology at bacteriology, 1927, U.P.; kasama sa pagtatag at unang babaeng pangulo ng Philippine Association of University of Women, 1928, at ng ilang samahang panggagamot, panlipunan at pang-edukasyon at unang Pilipinong pangulo ng Society for the Prevention of Cruelty to Animals, 1939. Tumanggap ng Gawad Zobel, 1930; Gintong Medalya kay Pangulong Ramon Magsaysay, 1955; at gawad Pagkilala kay Pangulong Ferdinand E. Marcos, 1966. Namatay, Marso 10, 1967.