Jose P. Laurel Monument (Intramuros) | Jose P. Laurel Marker is a Marked Structure, NHCP located at Manila, Metro Manila, National Capital Region.
Marker Text:
Jose P. Laurel
(1891–1959)
Kilalang hurista, estadista, lehislador, pilosopong moral at pulitikal, edukador, makabayan at kampeon ng mga karapatang pantao at katarungang panlipunan. Isinilang sa Tanauan, Batangas, Marso 9, 1891. Nagkaloob ng katangi-tanging paglilingkod sa tatlong sangay ng pamahalaan: Kalihim Panloob, 1923; Senador, 1925–1931; Kinatawan, 1934 Kumbensiyong Konstitusyonal; Mahistrado ng Kataas-taasang Hukuman, 1936–1941; Punong Mahistrado at kasabay nito, Kalihim ng Katarungan, 1941–1942; Pangulo ng Ikalawang Republika ng Pilipinas, 1943–1945; Senador, 1951–1957. Namatay, Nobyembre 6, 1959.
Year Unveiled: 1991