Andres Bonifacio Monument (Lawton) | Andres Bonifacio 30 Nobyembre 1863-10 Mayo 1897 Marker is a Marked Structure, NHCP; Registered Property, City of Manila located at Manila, Metro Manila, National Capital Region.
Marker Text:
Andres Bonifacio
30 Nobyembre 1863 – 10 Mayo 1897
Bayani at rebolusyonaryo. Isinilang sa Tondo, Maynila, 30 Nobyembre 1863. Sumapi sa Masoneriya at La Liga Filipina, 1892. Nagtatag ng Kataastaasan Kagalanggalang na Katipunan ng mga Anak ng Bayan o Katipunan, isang lihim na kilusan na ang pangunahing adhikain ay mapagkaisa ang lahat ng mga Pilipino at itaguyod ang isang bayang malaya sa pamamagitan ng paghihimagsik, 7 Hulyo 1892. Pinamunuan ang pagsisimula ng malawakang paghihimagsik laban sa mga Espanyol, Agosto 1896. Sumalakay sa San Juan del Monte upang kubkubin ang Polvorin, 30 Agosto 1896. Pinatay sa Maragondon, Cavite, 10 Mayo 1897. Kinikilala bilang Supremo ng Katipunan at Ama ng Himagsikan.
Year Unveiled: 2013
_____
Andres Bonifacio
Isinilang sa Tundo, Maynila noong 30 Nobyembre 1863. Sa kabila ng kanyang karalitaan ay itinatag ang Katipunan, ang samahang nagsimula ng paghihimagsik laban sa pamahalaang Kastila noong 1986. Sumulat ng “Ang Sampung Aral ng K.K.K.,” ng ilang makabayang tula at sanaysay. Kauna-unahang nagsalin sa Tagalog ng “Ultimo Adios”ni Dr. Jose Rizal. Tinaguriang “Ama ng Katipunan,” ”Dakilang Karaniwang Mamamayan,”at “Ama ng Demokrasya sa Pilipinas.” Namatay sa Maragondon, Kabite noong 10 Mayo 1897. Ang bantayog na ito ay inilagay ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila noong 1963, nangikasandaang taong kapanangakan ni Bonifacio. Ang pook na ito ay tinawag na “Liwasang Bonifacio.”