← Back to List

Severino Reyes House | Severino Reyes (1861–1942) Marker

Severino Reyes House | Severino Reyes (1861–1942) Marker is a Marked Structure, NHCP located at Manila, Metro Manila, National Capital Region.

Marker Text:

Severino Reyes
(1861–1942)

Ipinanganak sa purok ng Sta. Cruz, ngayo’y sakop ng Maynila, noong ika-11 ng Pebrero, 1861. Nag-aral sa San Juan de Letran at nagtapos sa pilosopya sa Pamantasan ng Santo Tomas. Nobelista at kuwentista, siya’y natanghal na pangunahing mandudula na nagpalaganap ng sarsuwela sa Pilipinas. Ang kanyang dulang “R.I.P.” na itinanghal noong 1902 ay tumudyo at pumatay sa moro-moro at komedya. Tagapagtatag ng “Gran Compañia de Zarzuela Tagala” na tumangkilik at nagpalaganap ng dulang Tagalog; tagapagtatag at unang patnugot ng lingguhang “Liwayway” na kinalathalaan ng kinagiliwang “Ang Kuwento ni Lola Basiang.” Namatay sa Maynila noong ika-15 ng Septiyembre, 1942.

Date Unveiled: September 1, 1969

Open in Google Maps