← Back to List

Philippine Medical Association

Philippine Medical Association is a Marked Structure, NHCP located at Quezon City, Metro Manila, National Capital Region.

Marker Text:

Philippine Medical Association

Itinatag, Setyembre 15, 1903, ng mga Amerikano at Pilipinong doktor bilang Philippine Islands Medical Association, na ang nukleo ay ang Manila Medical Society, sa adhikaing pag-isahin ang mga Pilipinong doktor para sa pagsasanay at pagpapaunlad ng agham sa panggagamot, pangangalaga ng kalusugan, at pagtutulungan ng bawa’t kasapi. Naging pawang mga Pilipinong doktor ang mga kasapi noong mga 1920. Naging Philippine Medical Association, 1939. Sumapi sa American Medical Association hanggang kilanlin ng Amerika ang kasarinlan ng Pilipinas, 1946 at ng World Medical Association, 1949. Ginawaran ng corporate status, 1963. Nanguna upang maitatag ang Kawanihan ng Kalusugan, Kolehiyo ng Medisina ng Pamantasan ng Pilipinas at Kagawaran ng Kalusugan. Nagpanukala ng pagsasabatas ng Medical Act ng 1959, Philippine Medical Care Act ng 1969 at iba pang batas ukol sa nutrisyon, pagkontrol ng mga nakahahawang sakit at pagsasaayos ng iba pang mga propesyong medikal. Ang punong himpilan nito’y naging tahanan ng mga sinalanta ng pagsabog ng bulkang Pinatubo, 1991.

Date Unveiled: May 6, 1992

Open in Google Maps