← Back to List

Ang Pampangulong Kotse ng Tren

Ang Pampangulong Kotse ng Tren is a Marked Structure, NHCP located at Manila, Metro Manila, National Capital Region.

Marker Text:

Ang Pampangulong Kotse ng Tren

Ipinagawa ng Manila Railroad Company (ngayo'y Philippine National Railways) para sa punong tagapagpaganap ng bansa sa Metropolitan Wagon and Finance Co., Ltd. Sa Birmingham, Inglatera noong 1913. Ginamit na sasakyan ng Pangulong Manuel L. Quezon nang makipagtalakayan sa mga pinuno ng pamahalaan tungkol sa mga isyung pambansa bago mag-Ikalawang Digmaang Pandaigdig at ng sumunod na mga pangulo nang opisyal na dumalaw sa mga lalawigan sa Hilaga at Timog Luzon; gayundin ng ilang matataas na pinuno ng ibang bansa tulad nina Prinsipe Akihito at Prinsesa Michiko ng Hapon, Haring Bhumibol Adulyadej at Reyna Sirikit ng Thailand at Hen. at Gng. Douglas MacArthur. Huling sumakay ang Pangulong Carlos P. Garcia pasinayaan ang bayan ng Lucena bilang lungsod noong 1961.

Open in Google Maps