327 College Road | Eduardo A. Quisumbing (1895-1986) Marker is a Marked Structure, NHCP located at Pasay City, Metro Manila, National Capital Region.
Marker Text:
Eduardo A. Quisumbing
(1895–1986)
Taksonomista, orkidolohista, akademista at edukador. Ipinanganak sa Sta. Cruz, Laguna, Nobyembre 24, 1895. Nagkamit ng mga titulong Batsilyer sa Agrikultura, U.P. Los Baños 1918, M.S., 1921, at Ph.D., 1923, pawang magna cum laude, Universidad ng Chicago. Kamay-akda ni Dr. Elmer D. Merrill sa mga lathala tungkol sa mga halaman sa Pilipinas at ni Prop. Oakes Ames sa "New or Noteworthy Philippine Orchids," (1931–1936) at sa "Naming of Orchids," 1970. Awtor ng Medicinal Plants in the Philippines, 1970. Puno, Dibisyon ng Botanika, Kawanihan ng Siyensiya, 1933, at Museo ng Kasaysayan Pangkalikasan, 1940–1945, at unang direktor ng Pambansang Museo, 1947–1962. Propesor ng botanika, U.P., U.S.T. at U.E. at puno rin ng hortikultura, Araneta University. Tanging Asiatikong nagkamit ng "Midalyang Ginto" ng American Orchid Society, 1969. Opisyal na kinatawan sa ibat-ibang kongresong pandaigdig. Tumanggap ng Gawad na Pambansang Siyentipiko, 1980. Namatay sa Quezon City, Agosto 23, 1986
Date Unveiled: November 24, 1986