José Rizal University Main Gate | Vicente Fabella y Fernandez (1891–1959) Marker is a Marked Structure, NHCP located at Mandaluyong City, Metro Manila, National Capital Region.
Marker Text:
Vicente Fabella y Fernandez
(1891–1959)
Ipinanganak sa Pagsanjan, Laguna, 7 Mayo 1891; nagtapos ng Batsilyer sa Sining, Pamantasan ng Pilipinas, 1912; Batsilyer sa Pilosopiya, University of Chicago, 1915; Diploma sa Pangangalakal, Northwestern University, 1915; kauna-unahang naging Pilipinong kontador publikong sertipikado (CPA), noong pumasa sa pagsusulit sa Wisconsin, USA, 1915; itinatag ang Vicente Fabella and Company, 1916 at ang Far Eastern College, 1919 (naging Jose Rizal College, 1922); naging kasangkapan sa pagpapatibay ng Batas Kontador, 1923; kinatawan sa Ikaapat na Pandaigdig na Kongreso sa Kontadurya, London, 1923; kagawad sa Komisyon ng Pagsusuri ng Central Bank, 1955; isa sa mga lumagda sa Kasunduan ng Hapon at Pilipinas ukol sa Reparasyon, 1956; namatay 14 Pebrero 1959.
Year Unveiled: 1991