St. John the Apostle Evangelist Parish ChurchSt. John the Apostle Evangelist Parish Church is a Registered Property, Municipality of Labo, Camarines Norte located at Labo, Camarines Norte, Region V.
Taong 1651 nang maitatag ang Labo bilang baryo o isang sitio ng Indan (ngayon ay Vinzons). Ang baryong ito ay itinuturing na isang lugar na pang misyon ng mga paring relihiyoso. Ang masigasig na mga misyonero ang humubog s pangangailangang spiritual ng mga tao hanggang maamo ang kalagayan ng parokya. Ang simbahan at tirahan ng kura ay yari sa kawayan at pawid lamang. Ang misyon ay ibinigay sa mga paring secular na walang kaugnayan sa relihiyon noong 1661 ngunit muling binawi ito ng mga misyonero noong 1880. Itinayo ang tahanan ng kura sa panahon ng panunungkar ni Padre Guillermo Rojo noon 1882-1889. Ang simbahan ay itinayo sa ilalaim ng pangangasiwa ni Padre Soter Martin noong 1890. Si Padre Sotero Martin ang naging pari ng parokya ng taong 1891 hanggag 1894. Si San Juan Evangelista at Apostol ang santong patron ng bayan na ipinagdiriwang ang kapistahan tuwing ika-6 ng Mayo upang ibandila ang tagumpay ng Apostol sa tarangkahan ng Roma na tinatawag na Latina na siyang naging daan sa Latium.