Mount MamaraMount Mamara is a Registered Property, Municipality of Tanay, Rizal located at Tanay, Rizal, Region IV-A.
Ang bahagi o paanan ng bundok ng Mt. Mamara ay may dumadaloy na tubig sa ibaba nito na kung tawagin ay "Sapa ng Nilubugan" sapagkat hindi umaabot ang daloy ng tubig sa dalisdis ng Ilog ng Daraitan ito ay lumulubog sa gitnang bahagi ng bundok ng Mt. Mamara. Marami na ang matatanda na nagtaka kung saan lumalabas ang tubig. Sa di inaasahan ay may isang matandang katutubo na nagngangalang "Kelyes" na nagdala ng ipa ng palay upang ito ay ipaanod sa tubig upang matukoy kung saan lumalabas ang tubig na lumubog sa gitna ng bundok. May isang nanginisda sa parte ng Tinipak Reiver, nakita niya ang ipa na ipinaanod ng isang katutubo mismo sa bukana ng Tinipak Cave. Ang bundok ng Mamara ay isang lagusan ng tubig na may ibang bahagi pa na hindi napupuntahan ng tao. Mayroon din itong libingan: Mamara Cemetery. Dito ang kauna-unahang libingan ng mga katutubo. Ayon sa kwento, may isang nalunod galing sa ilaya ng ilog na sumangya sa paanan ng bundok. Dahil sa walang naghahabol na kamag-anak, dito na nila inilibing ito kaya naman ginawa itong libingan. Dito sa bundok na ito madalas nagkakaroon ng ritual ang mga katutubong dumagat at sagrado rin tio sa kanila dahil dito sila madalas kumukuha ng kanilang makakin. May kuweba rin sa bundok ng Mamara. May tatlong bunganga ng kuweba: bukana patungong Jampolan (bagsakan ng kahoy), pangalawa sa gilid ng Mamara, at pangatlo sa tabi ng ilog ng Tinipak. Lugaar ng pangangaso din ito ng mga katutubo sa lugar at pinanggagalingan din ng mga sawa na pinagkukunan ng apdo na ginagawang gamot sa mga bata para tumubay ang kanilang sikmura.