← Back to List

Mount Sapari

Mount Sapari is a Registered Property, Municipality of Tanay, Rizal located at Tanay, Rizal, Region IV-A.

Ang Mt. Sapari ay bundok kung saan tumira ang isang pari na nakilala sapagkat may ginintuang puso ito (mabait, maunawain, matulungin). Handa siyang tumulong hangga't makakaya niya. Mula sa Barangay Cuyambay proper ay maglalakbay ka ng isa't kalahating oras kung maglalakad, apat-napot limang minuto naman kung gagamit ka ng sasakyan hanggang sa paanan ng bundok. Malilibang ka sapaglalakbay sapagkat ang mga bato dito ay may mga iba't ibang hugis, punong iba't iba ang laki at taas, mga batis na iba't iba ang lakas ng agus, lupa na iba't ibang uri (buhaghag, malambot, matigas, at malagkit). Pagdating sa ibabaw ng bundok na ito makikita mo ang karatig-bundok ng Mt. Binutasan, Mt. Batonglusong, at ang ibaba ng bundok ay Barangay Sto. Nino. Nagbibigay din ito ng magandang tanawin na Sea of Clouds at ang kabundukan ng Sierra Madre Mountain Ranges.

Open in Google Maps