Mount Binutasan is a Registered Property, Municipality of Tanay, Rizal located at Tanay, Rizal, Region IV-A.
Ang Mt. Binutasan ay matatagpuan sa Sitio Maysawa, Barangay Cuyambay, Tanay, Rizal. Mula sa barangay, ito ay may layong humigit kumulang na anim na kilometro. Ito ay napapaligiran ng mga kalapit na barangay at iba't-ibang bundok. Ang bundok na ito ay pagmamay-ari ng Bayan ng Tanay. Sa itaas naman ng bundok na ito ay makikita ang napakagandang tanawin ng ibat-ibang bundok sa Sierra Madre. Sa baba naman nito ay makikita ang isang daan na binutas o binutasan upang magduktong sa kabilang barangay na Sto. Nino. Dito rin nakuha ang pangalan ng bundok na Mt. Binutasan.