Nagpatong na Bato is a Registered Property, Municipality of Tanay, Rizal located at Tanay, Rizal, Region IV-A.
Ang Nagpatong na Bato ay isang magandang rock formation na matatagpuan sa Barangay Cuyambay. Ang batong ito ay mahahalintulad sa tatlong palapag na gusali, may isa pang bato sa harap na lalong nagpalitaw ng ganda nito. Sa batong ito masisilayan ang harapan ng bato kung saan mapapansin ang mga gitli na pahalang na tila sinyales o palatandaan na ito ay maraming bato na ipinatas o pinag patong patong sa tuktok ng bundok. May taas ito na 560 MASL at layo na 3.30 kilometro kung galing sa Cuyambay proper (jump off}. Ang sitio na nakakasakop dito ay Sitio Tablon o Sitio Jamborrie. Mula sa tuktok nito ay 360 viewing na mararanasan, minsan ay may sea of clouds sa ibaba nito na lalong nagpapahanga sa mga bisita. Sa malapit o di kalayuan ay matatanaw ang Masungi Geo Reserve at ang Mt. Batong lusong. Sa ibaba nito ay may malalaking puno, mayayabong na kagubatan at mga ibon na nagpapagaan ng mga damdamin o kalooban ng mga bisita, at mga bulaklak na umaakit sa mga mapagamasid na mata ng mga bisita. Ang mga lugar na kinakatayuan ng batong ito ay walang mapagkukunan ng tubig (water source), dahilan kaya't kailangan na magbaon o magdala ang mga bisita ng sapat na tubig. Masisilayan dito ang mga unggoy na nagpapalipat-lipat sa mga puno, malakas na simoy ng hangin na lalong nagpapa excite ng karanasan sa mga bisita.