Kay-Ibon Falls is a Registered Property, Municipality of Tanay, Rizal located at Tanay, Rizal, Region IV-A.
Ang Kay-Ibon Falls ay matatagpuan sa Barangay San Andres, Tanay, Rizal. Ito ay may layong humigit kumulang tatlong kilometro mula sa barangay. Dito sa falls na ito makikita ang malinis na tubig at iba't-ibang uri ng mga bato. May makikita rin ditong iba't-ibang uri ng isda katulad ng hipon, palos, dalag, at hito. Ayon sa mga kwento ng matatandang katutubo, ang lugar daw ng falls o tinatawag ngayong Kay-Ibon Falls ay mayroon isang malaking puno na malapit dito kung saan napapakaraming ibon ang namamalagi sa lugar na iyon. Kaya ang lugar na iyon ay tinawag na "Kay-Ibon Falls" dahil sa mga ibong naninirahan o laging namamalagi sa malapit sa falls.