Mount Daraitan is a Registered Property, Municipality of Tanay, Rizal located at Tanay, Rizal, Region IV-A.
Ang Mt. Daraitan ay matatagpuan sa Barangay Daraitan, Tanay, Rizal. Ito ay may taas na 739 MASL at ito naman ay may layong humigit kumulang na dalawang kilometro. Noong araw ang lugar ng Daraitan at
bundok nito ay mahirap puntahan ng mga tao dahil ito ay liblib na liblib at malayo sa kabihasnan. Dito ay matatagpuan ang mga ilog, sapa, bukal at mga naglalakihang puno at mga bato sa paligld nito. llan lamang
ang naninirahan dito na puro Dumagat, ang nagsisilbing tirahan nila ay Yungib o mga kweba sa baybayin ng ilog. Ang Mt. Daraitan ay sadyang napakaganda dahil sa sobrang lalaki ng mga puno dito at naggagandahang rock formations at madami dito ang iba't-ibang uri ng mga hayop. Dito madalas mangaso ang mga katutubong Dumagat at dito rin sila kumukuha ng pruduktong gubat. Ngayon ay kakaunti na lamang ang malalaking puno sa paligid nito dahil sa mga nagdaang panahon at pagdami ng mga tao sa lugar, at dahil sa pagkakaroon pagkakaingin sa paligid nito. Madami na rin ang mga turista na nagpupunta dito dahil sa napakagandang tanawin sa itaas nito at ito na rin ang nagsisilbing hanapbuhay ng mga tao sa baryo ng Daraitan.