Mount Ayngat is a Registered Property, Municipality of Tanay, Rizal located at Tanay, Rizal, Region IV-A.
Ang Mt. Ayngat ay matatagpuan sa Barangay Cayabu, Tanay, Rizal. Ito ay may layong humigit dalawang kilometro mula sa barangay. Ito ay lalakarin ng mga dalawang oras o mahigit pa. Ito ay may tatlong batong matutulis na may parang sadyang ipinatag na malapad na bato, kaya siya tinawag Mt. Ayngat ay dahil sa batong iniingatan o ipinatag sa taas nito. Dito sinasabing nagpupunta ang mga katutubong Dumagat para mangaso at kumuha ng mga prudoktong gubat. Subalit ang pagpunta dito ay hindi basta-basta dahil may kahirapan ang pagpunta dito at matatalas din ang mga bato.