← Back to List

Mount Lilid

Mount Lilid is a Registered Property, Municipality of Tanay, Rizal located at Tanay, Rizal, Region IV-A.

Ang Mt. Lilid ay matatagpuan sa Barangay Tinucan, Tanay, Rizal. Ito ay may layong humigit kumulang tatlong kilometro at lalakarin ng mga dalawa o tatlong oras bago ka makarating sa lugar na ito. Ang bundok na ito ay mahalaga sa mga tao sa lugar sapagkat dito sila madalas mangaso noong araw at dito rin sila madalas dumaan kapag sila ay pupunta sa kalapit na bayan ng Antipolo City. Ngayon ang bundok na ito ay isa sa madalas puntahan ng mga turista sa lugar sapagkat ang lugar na ito ay nakakamangha ang tanawin kapag ikaw ay nasa itaas ng bundok na ito. Bago ka makarating sa pinakaitaas ng bundok na ito ay kailangan mo munang gumilid o gigilid ka sa bangin- dito nakuha ang pangalan ng bundok na tinawag na Mt. Lilid.

Open in Google Maps