Mount PaliparanMount Paliparan is a Registered Property, Municipality of Tanay, Rizal located at Tanay, Rizal, Region IV-A.
Ang bundok na ito ay matatagpuan sa Barangay Cayumbay, Tanay, Rizal. Ito ay natatangi sapagkat naging saksi ito sa kasaysayan ng Tanay noong panahon ng ikalawang digmaang pandaigdig. Dito sa baba ng bundok na ito ay matatagpuan ang isang kuweba (Calinawan Cave) na pinagtataguan ng mga sundalong Filipino at Amerikano noong panagon ng digmaan. Tinawag na Mt. Paliparan ang bundok na ito dahil madalas umiikot o lumilipad dito ang mga eroplanong pandigma ng mga Hapon upang bombahin ang Calinawan Cave.
Mula sa barangay, ito ay may layong humigit kumulang tatlong kilometro bago marating ang tuktok. Ito naman at may taas na 560 MASL. Ang daan nito ay may kahirapan bago ka marating dito. Sa katabi naman nito ay madadaaanan ang isang komunidad ng mga katutubong Dumagat. Sa taas naman nito ay masisilayan ang ganda ng Sierra Madre Mountain Ranges at Laguna de Bay.