Mount TangwaMount Tangwa is a Registered Property, Municipality of Tanay, Rizal located at Tanay, Rizal, Region IV-A.
Ang Mt. Tangwa ay matatagpuan sa Barangay ng Laiban. May layo ito na humigit kumulang na tatlong (3) kilometro galing sa Baranagay Laiban jump off, may taas na humigit kumulang na 6.25 MASL. lto ang isa sa pinakamataas na bundok sa Laiban. Sa iyong paglalakbay patungo dito makikita mo ang ibat-ibang uri ng puno tulad ng alibangbang na ginagamit pang asim ang murang talbos nito sa mga gulay at isda. Tinatawag ito na Mt. Tangwa galing sa salitang "tanaw", sapagkat noong araw nagkaroon ng garison ang Hapon sa Laiban kung kaya ang mga naninirahan dito sa Laiban ay umaakyat sa tuktok ng bundok na iyon para magtago. Dahil sa ibabaw nito madaling makikita ang mga Hapon na papalapit sa lugar at madali agad sila
nakakapagtago. Simula noon tinawag na ito ng mga katutubo sa Laiban na Mt. Tangwa o Tanaw ang lahat.