← Back to List

Sangab Cave

Sangab Cave is a Registered Property, Municipality of Tanay, Rizal located at Tanay, Rizal, Region IV-A.

Ang Sangab Cave ay matatagpuan sa Barangay San Andres, Tanav, Rizal. Ang cave na ito ay may layo na humigit kumulang na kalahating kilometro mula sa barangay. Ito ay dinarayo ng mga tao o turista upang maligo, dahil sa malinis na tubig na lumalabas mula sa bukana nito. Makikita rin natin dito ang ilang uri at anyo ng bato, katulad ng marmole na bato. Tinawag itong Sangab Cave, ayon sa mga unang nanirahan doon na mga ninuno, dahil sa lumalabas na tubig sa kuweba na bumabangga sa bato kava bumabalik ang tubig o tinatawag nila "sumasangab" ang tubig sa bukana ng kuweba. Mula noon ay iyon na ang tawag sa kuweba at hanggang sa ngayon ay doon siya mas kilala ng mga tao sa lugar.

Open in Google Maps