Philtranco Transport Heritage Museum | Philtranco Service Enterprises, Inc. Marker is a Marked Structure, NHCP located at Iriga City, Camarines Sur, Region V.
Unang pinanganlang Albert Luis Ammen Transportation Company (ALATCO). Ang unang kompaniya na pampasaherong bus ng mga Amerikano sa Pilipinas na itinatag noong 1914 ni A.L. Ammen. Isang sundalong Amerimkano at ang punong himpilan a sa Iriga, Camarines Sur. Ang pook na ito ay ginamit na garison ng Hukbong Imperyal na Hapon noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig na nangbunga sa pansamantalang pagtigil ng paglilingkod na pambayan nito. Nagpasimulang muli noong 1945 sa Tabaco, Albay. Binili ng D. Tuason, Inc. noong 1949 at naging simula ng pagiging isa nitong korporasyong pag-aari ng mga Pilipino. Binili nito nang taon ding yaon ang Bicol Transportation Company (DITRANCO), ang Consolidated Auto Lines (CA) at Mindoro Transportation Company (MINTRANCO) noong 1954. Nakasanib ang Eastern Tayabas Bus Company (ETBCO), 1968. BInili ng Mantrade Group of Companies noong 1971 at pinanganlang PANTRANCO South Express Incorporated. Binigyan ng bagong pangalang PHILTRANCO Services Enterprises, Inc. 1985.