← Back to List

Pio S. Duran Monument | Pio S. Duran Marker

Pio S. Duran Monument | Pio S. Duran Marker is a Marked Structure, NHCP located at Pio Duran, Albay, Region V.

Marker Text:

Pio S. Duran

Edukador, manunulat at mambabatas. Isinilang sa Guinobatan, Albay, 14 Abril 1900. Nagtapos ng pagkadalubhasa sa abogasya sa Unibersidad ng Pilipinas, 1926. Tagapagtaguyod ng Alyansang Filipino-Hapon, Dekada 1930. Naglingkod sa pangasiwaan ng Okupasyong Hapon at nagligtas ng mga ilang Filipino mula sa kalupitan ng pamahalaang Hapon noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Isa sa mga nagtatag na Makapili, 1944. Ikinulong sa salang kolaborasyon sa New Bilibid Prison, 1945-48. Pinatawad sa bisa ng pangkalahatang amnestiya ni Pangulong Manuel A. Roxas, 1948. Nahalal ng tatlong ulit bilang kinatawan ng ikatlong distrito ng Albay sa Kongreso, 1949, 1953 at 1957. Yumao, 28 Pebrero 1961.

Open in Google Maps