Bahay-Kalakal ng Smith, Bell & Company | Angela Manalang Gloria Marker is a Marked Structure, NHCP located at Tabaco City, Albay, Region V.
Marker Text:
Bahay-Kalakal ng Smith, Bell & Co. Tabaco, Albay
Ipinatayo ni Mariano Villanueva noong ikalabinsiyam na dantaon at kinilala bilang isa sa mga pinakamalaking bahay sa bayan ng Tabaco. Naging pag-aari ng Smith, Bell & Co. at ginamit bilang sangay ng kumpanya sa Tabaco, Albay hanggang sa mabili ni Angela Manalang Gloria, 1965, at tinirahan ng pamilya. Natatanging halimbawa ng bahay na bato noong panahon ng mga Espanyol sa Albay.
Year Unveiled: 2007
_____
Marker Text:
ANGELA MANALANG GLORIA
(1907-1995)
MAKATA AT MANUNULAT. ISINILANG SA GUAGUA, PAMPANGA, 2 AGOSTO 1907. NAGTAPOS NG BACHELOR OF ARTS MAJOR IN PHILOSOPHY, SUMMA CUM LAUDE, SA UNIBERSIDAD NG PILIPINAS, 1929. IKINASAL KAY CELEDONIO GLORIA, 1929. NAGING PATNUGOT NG THE PHILIPPINES HERALD MAGAZINE, 1929. KAUNA-UNAHANG FILIPINANGMAKATA NA NAGSULAT AT NAGLIMBAG NG KOLEKSYON NG MGA TULA SA WIKANG INGLES NA PINAMAGATANG POEMS, 1940. YUMAO SA TABACO, ALBAY, 19 AGOSOTO 1995.