Mago Ancestral HouseMago Ancestral House is a Registered Property, Municipality of Vinzons located at Vinzons, Camarines Norte, Region V.
Ang Bahay na Bato ay isang uri ng bahay na kilala sa Pilipinas. Naitayo ang mga ito sa panahon ng pananakop ng mga Kastila, at literal na ibig sabihin ay “bahay na gawa sa bato”. Ngunit hindi lamang siya simpleng bahay na gawa sa bato. Sa totoo ay isa siyang ebolusyon ng pinagsamang arkitektura ng bahay kubo (nipa hut) at ang kolonyal na arkitektura ng mga Kastila. Itinuturing ito na natatanging arkitektura sa Pilipinas.
Ang bayan ng Vinzons ay mapalad sapagkat tayo lamang sa buong Lalawigan ng Camarines Norte ang siyang may marami pang natitirang mga bahay na bato (35+). Karamihan ay nangangailangan ng tulong gobyerno upang muling maisayos at manumbalik sa dati nitong ganda. May ilang maayos na naipreserba at isinasaayos at planong bubuksan sa mga turista bilang transient houses o bahay tuluyan at ang iba ay may planong gawing museo o tindahan.