← Back to List

Maharlikang Tahanan ni Kapitan Piroko

Maharlikang Tahanan ni Kapitan Piroko is a Marked Structure, NHCP; Registered Property, Municipality of Boac located at Boac, Marinduque, Region IV-B.

Marker Text:

Maharlikang Tahanan ni Kapitan Piroco

Ari ng Kapitan Munisipal Pedro Lardizabal, lalong kilala sa taguring Kapital Piroco. Dito nakipagpanayam si William H. Taft, tagapangulo ng Komisyon ng Pilipinas, sa mga tanyag na mamamayan noong ika-13 ng Marso, 1901. Sa pamamagitan ni Eduardo Nepomuceno, tagapagsalita, hiniling nilang ang Marinduque ay maging hiwalay na lalawigan. Ang pamahalaang sibil ng lalawigan ay itinatag dito ni Ricardo Paras, Sr., ang unang gobernador. Itinalaga siya sa tungkulin ni W. H. Taft.

Date Unveiled: February 23, 1973
_____
Matatagpuan sa kanto ng Kalye R. Magsaysay, Kalye P. del Mundo at Kalye Gov. d. Reyes. Pag-aari nina Don Leon Lardizabal (namatay noong Marso 7, 1870) at Maria Luz (namatay noong Oktubre 17, 1877). Ipinamana kay Don Pedro Lardizabal. Kasalukuyang nagmamay-ari ang mga Paras na sa huli ay napabilang sa mga angkan ng mga Lardizabal.

Open in Google Maps