Liwasang Pilar Hidalgo Lim | Salvador del Mundo Marker; Pilar Hidalgo Lim Marker is a Marked Structure, NHCP located at Boac, Marinduque, Region IV-B.
Marker Texts:
Salvador del Mundo
Ipinanganak sa Boac, Marinduque, 28 Oktubre 1902, Batsilyer sa Agham sa Kimika, summa cum laude, U.P., 1925; Dalubhasa sa Agham, Berlin, 1932; at Doktor sa Pilosopiya, U.S.T., 1934. Pensyonado ng pamahalaan sa Hapon at Alemanya; Punong Kimiko, Laboratoryo ng Seramika, Kawanihan ng Agham; Tagapamahalang Pamproduksyon, Ceramics Industries of the Philippines; at Propesor na Tagapanayam, U.P. at U.S.T. Inihalal na kasapi dahil sa kanyang mahahalagang pananaliksik pang-agham, Deutsche Keramische Gesellschaft, Berlin, at Philippine Scientific Society. Namatay, 13 Pebrero 1945.
Date Unveiled: May 24, 1982
_____
Pilar Hidalgo Lim
Ipinanganak sa Boac, Marinduque, 24 Mayo 1893. Balediktoryan, Manila High School, 1910. Unang babaeng nagtapos nang may karangalan, UP, 1913. Mga titulong pandangal: K.S. sa Gawaing Panlipunan, CEU, 1949; Doktor sa Pagtuturo, DLSC, 1964, at PWU, 1967. Maybahay ng bayaning si Hen. Vicente Lim. Nanguna, pagboto ng mga babae at rehabilitasyon ng mga salanta. Pangulo: NFWC, 1931–41; GSP, 1957–63; PFRD, 1949–51, 1953–57; CEU, 1953–73. Tumanggap ng pinakatanging gawad: Alumna, UP 1955; Ina, NFWC, 1960; Dakilang Guro, 1968; Anak ng Boac, Marinduque, 1973. Namatay, 10 Disyembre 1973.
Date Unveiled: May 24, 1982