Labanan sa Paye is a Marked Structure, NHCP located at Boac, Marinduque, Region IV-B.
Marker Text:
Labanan sa Paye
Naganap sa pook na ito ang pangalawang labanan sa Marinduque ng Digmaang Pilipino–Amerikano noong Hulyo 31, 1900. Nagwagi ang Second Guerilla Unit (bahagi ng dating Second Company, Infantry Battalion), Mariduque Revolutionary Force, na nakatalaga sa rehiyon Boac–Mogpog sa pamumuno ni Kapitan Teofilo Roque laban sa Company A, Twenty-Ninth Infantry, United States Volunteers, na may garison sa Boac sa pamununo ni Tenyente William S. Wells, Jr. Nabihag ng mga Pilipino ang 2 kabong Amerikano at 1 sibilyang Ingles.
Year Unveiled: 2000