Leva House is a Registered Property, Municipality of Boac located at Boac, Marinduque, Region IV-B.
Matatagpuan sa Barangay Laylay Boac, Marinduque. Pag-aari ng mag-asawang Santiago at Anang Leva. Ang bahay ay ipinamana sa kanilang supling na si Aurelio Sr. isang US Navy nang maging asawa si Trinidad Garniel.
Si Santiago ang unang nagpagawa ng sabungan sa bayan ng Boac at maituturing na isa sa mga kauna-unahang naging mamamayan ng Barangay Laylay, Boac.
Naging anak ng mag-asawang Aurelio at Trinidad sina Santiago Sr., Aurelio Jr., Rogelio, Consuelo, Mauel, Jaime, Fe at Alex.
Sa kasalukuyan ang bahay ay nasa pamamahala ng anak na si Rogelio, isang doctor na naging Pangalawang Punong Bayan ng Boac noong 1982-1986.