Del Mundo House (1) is a Registered Property, Municipality of Boac located at Boac, Marinduque, Region IV-B.
Matatagpuan sa Kalye R. Magsaysay at Kalye Nepomuceno. Pagaari nina Bernardo del Mundo at Pacita Villamin. Si Bernardo del Mundo ang kauna-unahang abogado sa Bayan ng Boac. Siya ang naging kinatawan ng Pangalawang Distrito ng Tayabas sa ginanap na First National Assembly.
Tumira sa nasabing bahay ang anak nilang si Salvador Del Mundo, pangwalong Summa Cum Laude sa Unibersidad ng Pilipinas at tagapagtaguyod ng industriyang Ceramics sa Pilipinas samantalang si Fe del Mundo naman ang naging kauna-unahang Pilipinong siyentipiko na umimbento ng “incubator” at “Jaundice Relieving Device”.
Ang bahay na ito ay ibinenta kay Paula Lim noong 1979 na siyang nagmamay-ari hanggang sa kasalukuyan.