← Back to List

Mount Ping-as

Mount Ping-as is a Registered Property, Municipality of Pakil, Laguna located at Pakil, Laguna, Region IV-A.

Nagsimula ang Santacruzan sa Ping-as bilang pag-alala at paggalan sa isang penitenteng Paring Franciscano na si P. Francisco Solier na naging panata niya ang umahon sa bundok na pasan ang krus na kahoy. Nang siya'y namatay noong taong 1671, nagtayo ang mga taga-Pakil ng krus sa bundok na ito at dito sila umaahon taun-taon upang magdasal ng Santo Rosario at ng Santacruzan. Ang lugar na ito ay tinawag na Bundok ng Ping-as dahil sa ang mga tayo ay pumipingas ng kapirasong sa krus na kahoy at ito'y nagsisilbing gamot lalo na sa hika.
Sa taluktok ng bundok na nakaharap sa kabayanan ng Pakil ay may natatanaw na mataas na krus at sa paanan nito ay ang Ermita. Dito umaahon tuwing katapusang Sabado ng Mayo taun-taon ang libu-libong mga tao, bata't matanda at mga taga-ibang bayan upang dumalo sa Santacruzan at Banal na Misa at makipagsaya.
Ang krus na simento na pinagsasantacrusan ngayon sa taluktok ng bundok Ping-as ay ipinagawa ng kapisanang Pakil Varsitarians noong taong 1966. Ang araw ng kapistahan nito ay ang huling Sabado ng buwan ng Mayo. Sa araw na ito ay may maraming mga palaro ang iba't ibang kapisanan at sa gabi ay may mga pasinaya at sayawan. Ang santacrusan sa Ping-as ay matagal nang panahong ginagawa at ito ay alaala sa isang deboto na nagpakasakit;
Sa taluktok ng Ping-as ay may nakatirik na isang mabigat na krus, na ang alamat nito'y dahil sa mapagpinitensyang pari noon na si P. Francisco Solier, na kura sa bayan ng Paete ng taong 1671. Naging kaugalian niya bilang panata na pasanin simula libis at hanggang taluktok ng nasabing bundok ng Ping-as ang krus na iyon. Sa kalakhan ng paggalang at pamimintuho ng bayan ng Pakil sa banal na penitente, nagtitipon-tipon taun-taon kung dumarating ang buwan ng Mayo, at umaahon sa bundok at doon ay nagdarasal ng Santo Rosario sa harapan ng krus, na ang gayong pagkakatipon sa kanila'y tulad o ibayo pa sa kasayahan ng isang araw ng pista (Pines; 50 Years of the Diocese of Lipa; E.C. Quesada)

Open in Google Maps