Parish Church of Saint Peter of Alcantara of PakilParish Church of Saint Peter of Alcantara of Pakil is a Registered Property, Municipality of Pakil, Laguna located at Pakil, Laguna, Region IV-A.
Ang simbahan ay nagsisilbing landmark ng bayan ng Pakil. Unang ipinatayo na yari sa kawayan at nipa ni Padre Francisco Barajas sa patronato ni San Pedro de Alcantara nang ang Pakil ay mahiwalay sa Paete, 1676.
Isa sa magandang katangian ng taga-Pakil ay pagiging malapit sa simbahan. 92% ng mga mamamayan ay Katoliko at deboto ng Birhen ng Turumba. Mga bata pa lamang ay nagiging miyembro ng mga samahang pansimbahan tulad ng pagsasakristan at koro hanggang sa kanilang paglaki.
Dito nakadambana ang orihinal na imahen ng Birhen de los Dolores de Turumba na natagpuan noong 1788.
Itinaas na simbahan ni San Pedro Alcantara bilang "Diocesan Shrine of Our Lady of Sorrows of Turumba."