Plaza Rizal is a Registered Property, Municipality of Pakil, Laguna located at Pakil, Laguna, Region IV-A.
Ipinatayo at ipinangalan sa pambansang bayani na si Dr. Jose P. Rizal, na mahal ng mga taga-Pakil. Si Dr. Rizal at ang kanyang mga magulang ay bumibisita noon sa Pakil dahil sa Turumba at naliligo rin dati sa Panghulo. May mga kaibigan rin siya sa bayan ng Pakil tulad ni Nicolas Regalado.
Ang Plaza Rizal ay nagsisilbing lugar tanghalan lalo na kung ang programa ay hindi pansimbahan o labag sa paniniwala ng simbahan. Ito ay tanghalan na may mas demokratikong pananaw.