Emilio Jacinto ShrineEmilio Jacinto Shrine is a Registered Property, Municipality of Santa Cruz, Laguna located at Santa Cruz, Laguna, Region IV-A.
Sa pook na ito ay orihinal na inilibing ang mga labi ni Emilio Jacinto na namatay noong Abril
16, 1899 sa sakit na Malaria. Ang kanyang labi ay inilipat sa Museleo de los Veteranos dela
Revolucion sa Manila noong Disyembre 18, 1921 at Disyembre, 1976 sa Dambanang Emilio
Jacinto sa Himlayang Pilipino Lungsod ng Quezon.
Bilang pagala-ala sa kontribusyon na ating tinatamasang kalayaan at kasarinlan ng ating bansang Pilipinas bilang “Utak ng Katipunan” at batang tagapayo ni Andres Bonifacio at nagtatag ng katipunan.
Sa pook na ito inilibing si Emilio Jacinto na namatay noong Abril 16, 1899. Si Jacinto ay sumapi sa Katastaasang Katipunan ng mga anak ng Bayan (KKK) o Katipunan noong 1894 na may sagisag na “Pingkian” na naging kalihim ng samahan at kanang kamay ni Andres Bonifacio. Noong Pebrero, 1898 lumaban siya sa Spanish Cazadores sa Maimpis Magdalena, Laguna. Siya ay nasugatan sa hita at dinala sa simbahan sa Santa Cruz, Laguna kung saan ginamot ng Spanish Surgeon. Pinangunahan niya ang isang labanan ng mga makabayan sa Santa Cruz at dito itinatag ang isang lihim na headquarter sa Brgy. San Juan, Santa Cruz, Laguna. Dito siya nagkasakit ng Malaria na naging sanhi ng kanyang kamatayan noong Abril 16, 1899 na siya ngayong kinatatayuan ng Emilio Jacinto Shrine.