← Back to List

Rizal Monument Santa Cruz and Municipal Plaza

Rizal Monument Santa Cruz and Municipal Plaza is a Registered Property, Municipality of Santa Cruz, Laguna located at Santa Cruz, Laguna, Region IV-A.

Ang kabayanihan ni Dr. Jose Rizal ay mabubuhay hangga’t ang kanyang bantayog ay nasa gitna ng bayang ito. Ang lahat ng halaga, katangian at kabayanihan na kanyang ibinigay hanggang sa panahon ng kanyang kamatayan ay palaging aalalahanin ng mga taga Santa Cruz.
Walang nakasulat na kasaysayan para sa Plaza na ito. Sinasabi ng mga matatandang tao sa bayan na ito na noong unang bahagi ng 1960 nang ito ay naisaayos. Ang lupain ay pag-aari ng Pamahalaang Munisipal at ang orihinal na istraktura nito ay sinasabing may mga leon sa apat na sulok. Ang mga leon na ito ay sinasabing inilibing sa kasalukuyang konkretong gusali at garahe sa tabi ng munisipyo.

Open in Google Maps