Ugu's Pottery is a Registered Property, Municipality of Tiaong, Quezon located at Tiaong, Quezon, Region IV-A.
Nabibilang ang Ugu’s Pottery Garden and Restaurant sa pansining na kabuluhan sapagkat tunay na maipagmamalaki ang natatanging Tiaongin na ito na bukod sa kanyang taglay na husay sa pagiging masining at malikhain ay nakatanggap na rin ng iba’t ibang parangal sa aspeto ng sining. Nakapag-export na siya ng kanyang mga likhang sining sa iba’t ibang bansa sa Amerika at Europa. Siya rin ay nakapaglagay na ng kanyang mga likha sa, maraming malalaking resort gaya ng world famous Amanpulo sa Palawan. Nakatanggap na rin siya ng mga natatanging parangal gaya ng Katha Award for product design, Quezon Medalya ng Karangalan Award para sa Sining at marami pang iba. Idagdag pa sa kanyang mga karangalan ang pagdaraos ng 17 solo exhibits at 8 group exhibits sa iba’t ibang prestihiyosong art galleries at mga trade show sa Paris at Frankfurt at iba pang sulok ng mundo.
Maituturing na bihirang atraksyon ang Ugu’s Pottery sapagkat workshops lamang ang kalimitang kayarian ng lugar ng mga sining manlilikha sa ating bansa, subalit si Ugu ay nagtayo ng isang Pottery Garden and Restaurant na hindi pangkaraniwang makikita sa anumang bahagi ng ating bansa. Ito ay sinasabing Balinese inspired o hango sa kanyang pinasyalang lugar sa Bali, Indonesia noong kanyang kabataan.